Ni Martin A. Sadongdong

Mahigit 300 hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa bansa ang sumuko sa awtoridad sa loob lang ng isang linggo, sa ilalim ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP), ayon sa pahayag ng isang mataas na opisyal.

Ibinunyag ni Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsalita ng PNP, na umabot sa kabuuang 4,548 drug surrenderer ang naitala ng Directorate for Operations nitong Lunes, Marso 12, mas mataas kaysa 4,237 sumuko nitong Marso 5.

Ipinagmalaki ni Bulalacao na “no cases of armed confrontation with drug suspects” kaya walang naitalang namatay sa Oplan Tokhang, na tinawag na “soft approach” ng PNP kaugnay ng drug war ni Pangulong Duterte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, ang Police Regional Office (PRO)-10 ang may pinakamaraming operasyon, na umabot sa 1,016 at 529 ang sumuko, na sinundan naman ng PRO-3, na may 1,005 Tokhang activities at 656 sumurender.

Pumalo naman sa 12,185 drug personality ang naaresto, habang umakyat na sa 118 ang nasawi sa Oplan HVT (high-value target), ang “hard approach” ng PNP sa giyera sa droga, nitong Marso 5.