MATAPOS ang Cebu, Baguio, at Mindanao leg ng auditions, sa Quezon City naman magsasagawa ng auditions para sa singing hopefuls angThe Clash. 

Gaganapin ito ngayong Sabado (March 17) sa SM City North EDSA Skydome simula 9 AM hanggang 6 PM. Exciting siyempre dahil darating ang host ng singing competition, ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid para maka-meet and greet ang mga sasali! 

Kung nais sumali, magdala lamang ng certified true copy at photocopy ng birth certificate, up-close and full body photos, kasama narin ang minus-1 na inyong kakantahin. Para sa karagdagang impormasyon, tumutok lang sa GMA-7 at abangan ang announcements sa official Facebook page nitong @TheClashGMA.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter