Ni Genalyn D. Kabiling

Interesado si Presidential Spokesman Harry Roque na kumandidatong senador sa susunod na taon, pero wala siyang perang gagastusin para sa malawakang kampanya.

Newly-appointed Presidential Spokesperson Harry Roque conducts his first briefing in Malacanang Palace on Thursday. ( Jansen Romero)

Newly-appointed Presidential Spokesperson Harry Roque conducts his first briefing in Malacanang Palace on Thursday. ( Jansen Romero)

Dakong kongresista, sinabi ni Roque na wala siyang P500 milyon na kakailanganin sa kampanya, kabilang na ang paglalabas ng mga political advertisements sa telebisyon.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Do I want to run? Yes, I do but the reality is 14 months from now, you need P500 million. That's minimum,” sinabi ni Roque sa isang panayam na na-post sa Facebook. “I don't have the money.”

Sinabi ni Roque na nagpapasalamat siya sa suporta ni Pangulong Duterte sa kanyang kandidatura sa pagkasenador subalit wala siyang ideya kung saan kukuha ng pondo para sa kampanya.

Aminado siya na ang political ads sa telebisyon, na sobrang gagastusan nang malaki, ay iniuugnay sa potensiyal ng panalo ng isang kandidato.

“I have no illusions. I know I was born a normal person, I know possibly I would need more time if I want to raise that amount,” ani Roque. “I don't know where I'll get P500 million.”

Sa unang bahagi ng linggong ito ay nagpahayag ng suporta si Pangulong Duterte kay Roque at sa dalawa pang opisyal ng gobyerno sakaling magdesisyon silang kumandidato sa pagkasenador sa 2019. Ang dalawa pa ay sina Special Assistant to the President Christopher Go at Presidential Political Adviser Francis Tolentino.