ILLINOIS (Reuters) – Isang Japanese Nobel-winning chemist ang nakitang pagala-gala sa kanayunan sa Northern Illinois at ang kanyang asawa ay natagpuang patay sa ‘di kalayuan, halos siyam na oras ang lumipas matapos silang iulat na nawawala sa kanilang bahay may 200 milya ang layo, sinabi ng pulisya nitong Miyerkules.

Dinala ang Nobel Prize winner na si Ei-ichi Negishi, 82, sa ospital para gamutin matapos siyang makitang naglalakad malapit sa Rockford, Illinois, dakong 5 a.m. nitong Martes, ayon sa Ogle County Sheriff’s Department.

Kalaunan ay natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng misis nitong si Sumire Negishi sa loob ng kotse sa katabing Ochard Hills Landfill. Halos 100 milya ang layo ng Rockford mula sa kanluran ng Chicago.

Nakatakdang i-autopsy ang bangkay ni Sumire Negishi ngunit walang hinala ng foul play sa kanyang pagkamatay, sinabi ng sheriff’s department. Iniulat na nawawala ang mag-asawa sa Indiana State Police dakong 8 p.m. nitong Lunes. Huli silang nakita sa kanilang bahay sa West Lafayette, malapit sa Purdue University campus kung saan si Ei-Ichi ay professor ng chemistry.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang scientist ay ginawaran ng Nobel Prize in chemistry noong 2010.