Ni Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac - Naglunsad na kahapon ng malawakang paghahanap ang Capas Police laban sa isang snatcher na nagpanggap na model coordinator para makabiktima ng isang estudyante nitong Lunes ng tanghali.

Sa report ni PO1 James Ong, ang suspek ay may taas na 5’4”, kayumanggi, naka-short pants at itim na T-shirt.

Sa reklamo ng biktimang si Jonalyn delos Santos, 20, bumibili siya sa isang shop sa Barangay Sto. Cristo, Tarlac City nang lumapit sa kanya ang suspek at nagpakilalang model coordinator ng Tarlac State University (TSU) at nangangailangan umano ito ng modelo sa proyekto nito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Niyaya umano ang biktima na bumili ng mga damit na gagamitin sa kanilang proyekto, at nang magsusukat at iniwan ni delos Santos sa suspek ang kanyang bag.

Nang bumalik ang biktima ay wala na ang suspek at ang kanyang bag, na naglalaman ng cell phone na nagkakahalaga ng P51,000 at cash money.