Ni Fer Taboy

Naaresto ng pulisya at militar ang isang umano’y Indonesian terrorist sa Sultan Kudarat kahapon.

Ang suspek ay kinilala ni Senior Supt. Raul Supiter, Sultan Kudarat Provincial Police Office (SKPPO) director, na si Mushalah Somina Rasim, alyas “Abu Omar”, 32, may asawa, ng Palimbang, Sultan Kudarat.

Kinumpirma ni Senior Supt. Supiter na nadakip si Mushalah ng puwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Phillippines (AFP) sa isang pagsalakay sa bahay nito sa lugar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Senior Supt. Supiter na bago sila sumugod sa bahay ni Mushalah ay nakatanggap sila ng impormasyon na sa nasabing lugar ito nagtatago.

Ang lugar, aniya, na pinagtataguan ni Mushalah ay malapit sa lugar na naging hideout ng dati nang nahuli na si Abu Omar, ng Ansar Al-Khilafa Philippines, na pinamumunuan ng teroristang si Zulkifli bin Hir, alyas “Marwan”, na napatay ng pulisya sa Maguindanao noong 2015.

Isinasailalim na sa tactical interrogation si Mushalah.