Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

12:00 n.h. -- CEU vs Gamboa Coffee Mix-St. Clare

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2:00 n.h. -- Akari-Adamson vs Wangs Basketball-Letran

TARGET ng Centro Escolar University na mapatatag ang kapit sa liderato sa pakikipagtuos sa Gamboa Coffee Mix-St. Clare sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D League Aspirants Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nakamit ng CEU ang ikaanim na panalo nang pabagsakin ang Perpetual, 90-85, nitong Martes.

Umangat naman ang Coffee Lovers sa ika-6 na puwesto taglay ang barahang 4-3, kasunod ng kanilang 107-106 na pag-ungos sa Zark’s Burger-Lyceum.

Sa pagkakataong ito,hindi sila maaaring umasa sa swerte o sa pagkakamali ng kanilang katunggali dahil bukod sa beterano na sa liga, determinado ang Scorpions na manatiling namumuno pagkaraang maangkin ang unang playoffs berth.

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na ika-12:00 ng tanghali na susundan ng salpukan ng pumapangalawang Akari-Adamson at ng Wang’s Basketball -Letran ganap na 2:00 ng hapon.

Pinaghihiwalay lamang ng isang panalo na taglay ng Falcons na may markang 6-2, kapantay ng Marinerong Pilipino ang Akari at Wang’s kung kaya dikdikang labanan din ang inaasahang magiging salpukan ng dalawang koponan.

Para kay Couriers coach Jeff Napa, sisikapin nilang malimitahan ang kanilang errors partikular sa end game at mapaigting pang lalo ang kanilang depensa para sa mas malaking tsansa at makalapit sa inaasam na playoffs slot.

Iskor:

CEU (90) — Guinitaran 27, Ebondo 22, Manlangit 16, Fuentes 6, Aquino 5, Wamar 5, Cruz 4, Arim 3, Caballero 2, Opiso 0, Uri 0, Veron 0.

Perpetual (85) — Eze 23, Charcos 22, Aurin 14, Villanueva 9, Pido 5, Coronel 4, Mangalino 4, Peralta 4, Pascia 0, Tamayo 0.

Quarterscores: 23-19; 49-39; 72-60; 90-85.