Ni Leonel M. Abasola at Jean Fernando

Laya na si dating Bureau of Customs (Boc) Commissioner Nicanor Faeldon matapos siyang payagan ng Senate Blue Ribbon Committee na makauwi na sa kanila makaraang mangako na sasagot nang maayos sa mga tanong ng mga senador.

Former Commissioner  of Bureau of Custom Nicanor Faeldon shakes hands with senator Richard Gordon during the P6.4 Billion Worth of Shabu Shipment from China hearing in Pasay city,March 12,2018.(Czar Dancel)
Former Commissioner of Bureau of Custom Nicanor Faeldon shakes hands with senator Richard Gordon during the P6.4 Billion Worth of Shabu Shipment from China hearing in Pasay city,March 12,2018.(Czar Dancel)

Bago matapos ang pagdinig ng komite kahapon hinggil sa P6.5-bilyon halaga ng shabu na ipinuslit sa bansa, pinalaya na si Faeldon makaraang ikulong sa Pasay City Jail (PCJ) nitong Enero 29.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Setyembre 2017 nang makulong si Faeldon sa Senado matapos na i-cite for contempt ng komite dahil sa hindi pagsagot nang maayos sa katanungan ng mga senador.

“We will call you on cognizance that when we ask you a question there will be no more back-talking and you will answer the questions directly,” sinabi ni Senator Richard Gordon, chairman ng komite, na tinugon naman ni Faeldon ng “Yes, your honor.”

Sinabi ni Gordon na tanging respeto lamang ang nais ng Senado at hindi, aniya, siya magdadalawang-isip na muling ipakulong si Faeldon kung patuloy nitong bibirahin ang Mataas na Kapulungan.

Habang nakakulong si Faeldon, nagsampa rin siya ng reklamo laban kina Senators Antonio Trillanes IV at Panfilo Lacson, na parehong na-dismiss na ng Senate ethics committee.

Samantala, bandang 7:55 ng umaga nang palayain sa PCJ si Faeldon, at sinundo siya ng mga tauhan ng Senate Sergeant-At-Arms.

Sinabi naman ni Faeldon na uuwi muna siya sa bahay para magpahinga bago simulan ang trabaho bilang deputy administrator ng Office of Civil Defense (OCD).