Ni Marivic Awitan

NAPANATILI ng Arellano University ang titulo sa seniors division habang nagbalik naman sa podium ang dating 5-time champion Jose Rizal University kahapon sa huling araw ng NCAA Season 93 track and field championships sa Philsports track oval.

May nalalabi pang tatlong finals event kahapon,habang sinusulat ang balitang ito, tiyak na ang 3-peat para sa Chiefs makaraang makatipon ng 673.5 puntos.

Nakasingit naman at umangat sa ikalawang puwesto ang Mapua University na may naipong 589.5 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mula sa ika-4 na puwesto tiyak namang balik sa podium ang Heavy Bombers na mayroon ng 358.5 puntos.

Salamat sa meet double gold medalists na si Adonis Cordero na nagwagi ng kanyang ikalawang gold sa high jump kasunod ng pagwawagi sa triple jump noong Biyernes at kay Rommuls Andawa na nagkampeon naman sa shotput.

Sa juniors division, mahigpit naman ang laban hanggang sa huling araw sa pagitan ng San Beda University at event host University of Perpetual.

May natitira pang limang events, nangingibabaw ang SBU na may 488.5 puntos habang nakabuntot lamang ang UPHSD na may 442.75 puntos.

Nalaglag naman sa ikatlo at nanganganib na mapatalsik sa kanilang trono ang defending champion Emilio Aguinaldo College -ICA na may 433 puntos