Ni Brian Yalung

PINAGHARIAN nina JP Macatula, Jeb Sabado, Adrian Saguinsin, Tony Zulueta at King Limpo ang kani-kanilang divisions sa katatapos na 4th Nobleland Open sa E-Lanes Bowling Center sa Greenhills, San Juan City.

bowling copy

Nakamit ni Macatula ng MBA-Timberpro ang kabuuang iskor na 2,770 para manguna sa Mixed Open division. Nakabuntot si Praise Gahol ng PBA-Nobleland na may 2,760 puntos, habang kumana si Merwin Tan ng RP Team-TBAM (2,674).

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

Sa Associate Division, nagwagi si Sabado ng PBA-Nobleland sa kabuuang iskor na 1,762 kontra Grace Gella ng TBAM-Prima (1,713) at JB Sabado ng PBA-Nobleland (1,679).

Namayani naman si Saguinsin ng TBAM-Prima sa Graded Masters sa kabuuang iskor na 2,195 laban kina Marc Matias ng PBAP-Jackson Tours-ALOG (2,125) at Alex Ngoi Jr., ng PBAP-Jackson Tours-ALOG (2,115).

Tinanghal namang overall champion si Zulueta ng MBA Sarimanoks sa nakopong 1,870 puntos laban kina Albert Kang at Kim Im Be ng SJCBA na may iskor na 1,805 at 1794, ayon sa pagkakasunod.

Nagwagi naman si Limpo ng TBAM-Prima kina Merwin Tan at Grace Gella sa torneo na itinataguyod ng Manila Bulletin, Tempo at Balita.