Ni FER TABOY

Napatay ng militar ang isa umanong coddler ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa engkuwentro sa Sulu, nitong Sabado ng umaga.

Nilinaw ni Capt. Rowena Dalmacio, ng Philippine Marine Corps’ (PMC) Public Information Office, rumesponde lamang ang mga sundalo bilang tugon sa isang sumbong ng isang concerned citizen kaugnay ng umano’y presensiya ng armadong grupo sa kanilang barangay.

Pagdating ng mga tauhan ng Philippine Marines sa Barangay Tubig Puti, Luuk, Sulu ay namataan umano nila ang suspek na si Muksidin Dadil, na biglang nagpaputok ng baril sa mga ito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tumagal ng limang minuto ang engkuwentro na ikinasawi ni Dadil.

Narekober sa pinangyarihan ang isang pc 5.56mm plastic magazine; pitong rounds ng 7.62mm ammunitions; dalawang basyo ng bala ng 7.62mm, dalawang live ammos ng cal .30; isang duffle bag; mga paraphernalia, at dalawang identification (ID) card ng isang Rodelyn Kadil at Muksidin Kadil.