Ni Martin A. Sadongdong

Napatay ng pulisya ang "kanang-kamay" ni self-confessed drug lord Rolando "Kerwin" Espinosa, Jr. sa isang operasyon sa Ormoc, Leyte, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Chief Inspector Maria Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Eastern Visayas Regional Police Office (PRO-8), ang napatay na si Max Miro, alyas Max, tubong Albuera, Leyte, ng Purok 3, Barangay Bantigue, Ormoc, Leyte.

Ayon kay Rentuaya, isinilbi nila ang warrant of arrest, na inilabas ni Judge Carlos Arguelles, ng Baybay, Leyte Regional Trial Court, laban kay Miro sa bahay nito nang "resisted arrest and fired his gun to the members of the operating team."

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Aniya, gumanti ang awtoridad, "hitting the suspect on the different parts of his body."

Agad isinugod si Miro sa Ospa Farmers Medical Center Hospital sa Ormoc City kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

Hindi nilinaw ng pulisya kung paano ang naging trabaho ni Miro kay Espinosa.

Nasamsam sa pinangyarihan ang isang caliber .45 pistol na kargado ng apat na bala.