Ni Brian Yalung

MULA Japan hanggang United Kingdom, marapat na saluduhan ang batang Pinay skater na si Ayasofya Vittoria Aguirre.

skate copy

Matapos ang hindi matatawarang kampanya sa nakalipas na 29th Annual Skate Japan tournament, muling pinahanga ng 8-anyos na si Aguirre ang international audience nang makipagtagisan ng husay sa mas matatandang karibal sa katatapos na Milton Keynes International Skating Union (ISU) Figure Ice Skating Tournament.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinakabata at pinakamaliit na skater si Aguirre sa 20 kalahok sa Level II Ladies category. Siya ang tanging Pinay at non-UK resident na accredited ng National Ice Skating Association (NISA) of United Kingdom and Northern Ireland.

Sa kabila nang mabigat na laban, kampante na nagpamalas nang kanyang routine ang batang Pinay para makatapos sa ika-11 tangan ang 15.88 technical points. Gahibla lamang ang layo ni Aguirre sa kampeon na si Amy Ilsey, 17, mula sa Cardiff University na may 19.62 puntos.

Nakatakdang sumabak si Aguirre sa China sa hunyo at sa Hong Kong sa Oktubre. Nasa gabay ang pagsasanay niya nina University of the Philippines Human Kinetics coach Nathan Futalan at New York-based ballerina teacher Rubylee Valente-Gomez.

Plano rin ng kampo ni Aguirre na sanayin siya sa Ice Skating Academy of Alberta Canada, sa pangangasiwa ni 2018 Bronze Winter Olympian Canadian coach Ravi Walia ng Ice Palace FSC.