Ni Vanne Elaine P. Terrazola

Pinangangambahang malalagay sa alanganin ang mga indibiduwal o grupong naninindigan sa kanilang religious beliefs dahil sa panukalang batas na nagbabawal ng diskriminasyon sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community.

Ito ang naging paniwala kahapon ni Senator Joel Villanueva, isang evangelist.

Aniya, hindi pa rin natitinag ang kanyang pagkontra sa mungkahing Anti-Discrimination Act na layuning parusahan ang mga gumagawa ng diskriminasyon sa LGBT, alinsunod sa kanilang sexual orientation, gender identity or expression (SOGIE).

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang panukalang-batas ay inihain ni Senator Riza Hontiveros.

Sa panayam kahapon, nagbabala si Villanueva na magbibigay lamang ito ng “special rights” sa mga miyembro ng LGBT community kahit masakripisyo na ang sektor ng pananampalataya.

“We are opposing this measure because I think it provides special rights to one sector of society at the expense of another sector,” paliwanag ni Villanueva. “For example, Christian leaders or pastors, who are only professing their religious belief that homosexual relationship is a ‘great sin’ to God, may be charged criminally under the SOGIE bill should the LGBTQ community be offended by their preachings.

“We give a very dangerous precedent especially to Christian country like ours,” sabi ni Villanueva. “Gusto ko lang i-reiterate na mahal na mahal natin ‘yung LGBT community. Hindi po tayo papayag na sila ay dini-discriminate. Hindi tayo papayag na hindi sila tatanggapin sa trabaho only because they are part of the LGBT community.”