ITT Stage 7, kinuha ni Oranza; Navymen, tumatag

SAN JOSE, Tarlac – Hindi nagpakabog si Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance para pagbidahan ang 31.5-kilometer Stage Seven Individual Time Trial kahapon at tuluyang makalayo sa mga karibal sa individual classification ng 2018 LBC Ronda Pilipinas na nagsimula sa Pamahalaang Panlalawigan ng San Jose at natapos sa bulubunduking Monasterio de Tarlac dito.

1 copy

Huling humirit sa starting line bilang overall individual leader, ratsada ang 26-anyos na si Oranza mula simula hanggang sa huli para higitan ang mga tyempong naunang naitala nina Jay Lampawog ng Go for Gold Developmental team at Navy teammate Ronald Lomotos at efending champion Jan Paul Morales sa oras na 44 minuto at 44 segundo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pumangalawa si Morales sa tyempong 46:31,kasunod si Roque, runner up sa nakalipas na season, na may 48.26.

Nakopo ni Oranza ang ikatlong stage victory matapos pagbidahan ang Stage One criterium sa Vigan, Ilocos Sur nitong Marso 3 at Vigan-Pagudpud Stage Two.

Bunsod nito, nahila ni Oranza ang bentahe para mapanatili ang red jersey sa anim na minute at 55 segundo sa 12-stage cycling marathon na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

Tangan ni Oranza ang kabuuang oras na 21:01:56 laban kay Morales (21:08:51) kasunod si Lampawog, tangan ang MVP yellow jersey na simbolo nang pangunguna sa under-23 rider, na uamkyat sa a No.3 (21:19:31) matapos ma-disqualified si Ronald Lomotos ng Navy-Standard bunsod nang pananatili sa likuran ni Morales sa nakalipas na mga stage.

Nasa No.4 si Pfc. Cris Joven ng Philippine Army-Bicycology Shop (21:20:02), John Mark Camingao ng Navy (21:20:34), George Oconer ng Go for Gold (21:20:51), Ronnel Hualda ng Go for Gold Developmental team (21:21:29), Rudy Roque ng Navy (21:21:42), Irish Valenzuela ng CCN Superteam (21:22:04) at Junrey Navara (21:22:08).

Sa kabila nang pangingirot ng mga sugat na natamo nang masangkot sa banggaan sa Caimiling, Tarlac sa Stage Six, determinado ang pambato ng Villasis, Pangasinan na tampukan ang karera.

“Masakit at talagang mahapdi pa. Pinilit ko talagang tiiisin dahil mahirap nang makadikit ang mga karibal natin,” pahayag ni Oranza.

Puntirya niyang makakain pa ng ilang minuto sa pagsikad ng Stage Eight Team Time Trial ngayon sa magsisimula sa Kapitolyo at matatapos sa Tarlac Recreational Park.

Sa team classification, hawak ng Navy ang kabuuang oras na 81:23:35, halos 30 minuto ang abante sa Go for Gold Developmental team (81:53:13). Pangatlo ang Army-Bicycology (82:10:37).