Ni Yas D. Ocampo
Tinatayang aabot na sa P6 milyon ang halaga ng mga ari-arian na napinsala dahil sa sunog sa unang dalawang buwan ng taong kasalukuyan, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Nakapagtala ang ahensiya ng P4.7 milyon pinsala nitong Pebrero, habang P1.3 milyon naman ang naabo sa kabuuan ng mga insidente ng sunog sa bansa noong Enero.
Ang nasabing bilang ay tumaas ng 22-37 porsiyento, kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.
Samantala, tinukoy sa datos ng BFP na ang electrical shortages at faulty wiring pa rin ang pangunahing sanhi ng sunog noong 2017.
Ang buwan ng Marso ay Fire Prevention Month.