Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Napaslang ng pulisya ang isang umano’y drug pusher matapos manlaban umano sa buy-bust operation ng pulisya, nitong Miyerkules ng gabi.

Ang napatay ay kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, na si Alejandro San Jose, alyas “June”, ng Barangay Bayanihan, Gapan City.

Naglatag ng drug bust ang mga tauhan ng Cabanatuan Police Station Drug Enforcement Unit (CPSDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3, laban kay San Jose sa Bgy. Sumacab Este.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dakong 11:30 ng gabi nang bigla umanong bumunot ng baril ang suspek sa kalagitnaan ng operasyon, kaya gumanti ng putok ang mga pulis, ikinasawi ni San Jose.

Nabawi umano ng pulisya mula sa suspek ang hindi pa datid na dami ng droga, marked money at baril nito.