NI Jimi Escala

TOTOO kaya ang bulong ng spy namin na hanggang Abril na lang eere ang Home Sweetie Home ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Toni Gonzaga at iniwanan ng leading man niyang si John Lloyd Cruz?

JOHN LLOYD AT TONI copy

Ayon sa spy namin sa Dos, maganda ang takbo at mataas ang ratings ng sitcom pero nagkakaproblema ang writers kung paano patatakbuhin ng maayos ang istorya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang latest ay ipinasok na rin sa show si Ogie Alcasid na dalawang characters ang gagampanan, si Ireneo at si Irenea.

Kung magkiklik daw sa televiewers ang pagpasok ni Ogie sa show, maaaring ma-extend ang Home Sweetie Home sa ere.