SANTIAGO (Reuters) – Labing-isang bansa kabilang ang Japan at Canada ang lumagda sa makasaysayang Asia-Pacific trade agreement nang wala ang United States nitong Huwebes. Tinawag ito ni Chilean President Michelle Bachelet na makapangyarihang hudyat laban sa protectionism at trade wars.

Nilalayon ng Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP) na bawasan ang tariffs sa mga bansa na kapag pinagsama-sama ay kumatawan sa mahigit 13 porsiyento ng ekonomiya ng mundo – o kabuuang $10 trilyon sa gross domestic product. Kung kasali ang United States, ito ay katumabas sana ng 40 porsiyento.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture