Ni Mike U. Crismundo

CAMP BANCASI, Butuan City - Dahil sa pangungumbinsi ng isang umano’y lider ng Indigenous People (IP) sa Southern Mindanao, sumuko sa pamahalaan ang aabot sa 20 kaanib ng New People’s Army (NPA) sa Compostela Valley, nitong Miyekules ng umaga.

Ipinaliwanag ng isang IP organization president (hindi nagpabanggit ng pagkakakilanlan para sa kaligtasan nito) sa Davao del Norte na sinamahan niya sa headquarters ng 71st IB sa Purok 8, Barangay Nueva Visayas sa Mawab, Compostela Valley ang naturang surrenderers para sa pormal na pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Ang mga ito, aniya, ay kaanib ng underground mass organization (UGMO) ng Guerilla Front Committee 33-Communist Party of the Philippines-NPA Southern Mindanao regional Committee (SMRC) na nag-o-operate sa Sitio Casilac, Bgy. New Cortez, New Corella at sa Bgy. Binancian, Asuncion sa nasabing lalawigan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente