LONDON (AFP) – Tinira ng nerve agent ang Russian na dating double-agent na hinimatay sa isang bayan sa Britain kasama ang kanyang anak na babae, habang naospital ang rumespondeng pulis, sinabi ng pulisya nitong Miyerkules.

‘’This is being treated as a major incident involving attempted murder by administration of a nerve agent’’, lahad ni Metropolitan Police assistant commissioner Mark Rowley sa mga mamamahayag.

Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa ospital si Sergei Skripal, 66, lumipat sa Britain sa spy swap noong 2010, kasama ang anak niyang si Yulia matapos silang hinimatay sa upuan sa labas ng isang shopping centre lungsod ng Salisbury sa timog kanluran ng England nitong Linggo.

‘’Sadly, in addition, a police officer, who was one of the first to attend the scene is now also in a serious condition in hospital,’’ ani Rowley. Iniulat ng Sky News, na pawang comatose ang tatlong biktima.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina