Ni Marivic Awitan

ITINAKDA ng De La Salle University at Adamson University ang kanilang pagtutuos sa finals makaraang kapwa magwagi sa kani-kanilang nakatunggali nitong weekend sa UAAP Season 80 baseball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Winakasan ng Green Batters ang paghahari ng dating kampeong Ateneo de Manila University Blue Eagles sa pamamagitan ng 11-8 panalo habang pinadapa naman ng Falcons ang National University Bulldogs, 13-4.

Tatangkain ng Green Batters na mabawi ang titulo na kanilang napanalunan noong 2016.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tumapos ang La Salle na may pinakamataas na markang 9-1, habang sumunod naman ang Falcons na may kartadang 7-2.

Bumagsak naman ang Blue Eagles dahil sa kanilang pagkabigo sa 5-4.

Sa isa pang laro, tinalo naman ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines, 5-4, para tumapos sa 4-5 na kartada.