Ni Orly L. Barcala

Labing-anim na taong pagkakakulong ang inihatol ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) laban sa isang drug user na nagkasala ng dalawang bilang ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165.

Sa 14 na pahinang desisyon ni Valenzuela RTC Branch 282 Judge Elena A. Amigo-Amano, guilty sa mga kasong Sections 11 at 12 ng RA 9165 si Michael Deniega, alyas Botchok, nasa hustong gulang, ng Barangay Arkong Bato, Valenzuela City.

Nabatid na 12 taon at isang araw hanggang 14 na taon ang ipinataw ng korte laban kay Deniega sa paglabag sa Section 11 at pinagbabayad ng P300,000 bilang danyos.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bukod dito, para sa paglabag sa Section 12, pinatawan ng dalawang taon at apat na araw na pagkakabilanggo at pinagbabayad ng P10,000 ang suspek.

Base sa record, Agosto 6, 2016, natiyempuhan ni SPO1 Roberto Santillan si Diniega na may hawak na ice pick at nakahubad baro sa M.H. del Pilar, Bgy. Arkong Bato, Valenzuela City.

Nakumpiskahan din si Deniega ng isang pakete na naglalaman ng 0.12 gramo ng umano’y shabu.