Ni Marivic Awitan

BAGAMA’T naging ganap ng unibersidad wala pang plano ang San Beda na lisanin ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) upang lumipat sa UAAP.

Bago pa man, naging usap-usapan na noon ang paglipat ng San Beda sa UAAP dahil na rin sa dominasyon ng Red Lions sa NCAA basketball kapwa sa men’s at juniors division sa nakalipas na 12 taon.

Ayon kay San Beda NCAA Management Committee representative Jose Mari Lacson, hindi napag-uusapan at wala sa plano ang paglipat nila sa UAAP.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Right now, there is no plan whatsoever because a lot of people talk about the UAAP. As of now, we have no intentions at all,” ani Lacson.

Ngunit, hindi naman aniya nila isinasara ang pagkakataon na maaari silang sumali sa UAAP sakaling magkaroon ng imbitasyon.

“I’m not saying that we will not. Who knows? If we get invited, we might consider,” ani Lacson. “Now that we are university, if we get invited, we consider.”

“But as of now, San Beda has no plans at all. Why? Because right now we are in the NCAA and we will continue playing there until the time comes that we get invited and we decide to transfer, we just might,” dagdag pa ni Lacson.

Sa ngayon ani Lacson, wala silang iniisip at pinaplano kundi ang ma-improve ang kanilang sports program.