Ni Lyka Manalo

TALISAY, Batangas - Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang 80-anyos na babae na pinaniniwalaang nalunod sa Taal Lake, iniulat nitong Lunes.

Sa naantalang ulat na ipinadala sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang biktima na si Cecilia Samparada, residente ng Barangay Tumaway, Talisay, Batangas.

Ayon kay PO3 Joel Mangubat, nadiskubre ang bangkay malapit sa baybayin sa Bgy. Poblacion ng Talisay, dakong 3:00 ng madaling araw.

Probinsya

3 pang katawan, narekober sa MV Trisha Kerstin 3; casualties, pumalo na sa 57!

Sinasabing may Alzheimer’s disease ang biktima.