PINANGUNAHAN nina Maricar Sabado, Vic Domingo at Eddie Cruz ang mga paboritong kalahok sa pagtulak ng Paniqui 2050 and below Non-Master chess tournament sa Sabado (Marso 10, 2018) sa Barangay Hall, Estacion, Paniqui, Tarlac.

Kalahok din sina Edwin Cortez, Jeff Pascual, magkapatid na Alfred Miranda Jr. at Alanice Miranda, Rene Aguino at Garry Bamba sa event na suportado ng Santillan Family.

Tatangap ang magkakampeon ng P3,000 plus trophy, nakalaan sa ika-2 puwesto ang P2,000 plus trophy, habang maiuuwi ng ika-3 puwesto ang P1,000 plus trophy at maibubulsa naman ng ika-4 na puwesto ang P500 plus medal.

Hindi naman uuwing luhaan ang ika-5 hanggang ika-10 puwesto an may pakunsuwelong tig P500.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Para sa karagdagang detalye ay tumawag sa mga numero na 0909-122-8190 at 0912-795-4269 para sa kumpletong detalye.