TUMATANGGAP na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng aplikasyon para sa nagnanais na mag-bid sa Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ng Camarines Sur at Bohol.
Nilinaw naman ng PCSO na suspindido ang aplikasyon ng STL sa iba pang panig ng bansa.
Bukas ang aplikasyon sa nabanggit na lalawigan hanggang Marso 23, 2018.
Sinabi ni Alexander Balutan, PCSO General Manager, na napagpasyahan ng Board na kanselahin ang prangkisa ng Everchance Gaming Corporation at PF3 Games and Entertainment Corporations na mag-operate ng STL sa Camarines Sur at Bohol, matapos ang paglabag sa ‘implementing rules and regulations’ ng ahensiya.
Sa mga interesadong bidder, magsumite lamang ng intention letter sa Office of the Assistant General Manager for Branch Operations (telephone no. 706-7571 o mag email sa [email protected]) at magtungo sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Sinabi ni Balutan na kaagad na aaksiyunan ng PCSO ang proseso ng bidding upang mapigilan ang mga illegal na operators na kumilos sa naturang mga lalawigan.
“When there’s no legal operator, illegal operators come in...When they take root, they will be more difficult to stop,” pahayag ni Balutan.
“Illegal gambling operators and their local government protectors are out to discredit the STL program of the PCSO, but we will not allow them to succeed,” aniya.
Sa kasalukuyan, may 81 authorized Agent Corporations (ACCs) ang PCSO.