NAKUMPLETO ng University of the East ang dominasyon sa National University, 7-0, nitong Sabado para makausad sa Final Four ng UAAP Season 80 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nagtabla ang Lady Warriors at Lady Bulldogs sa 7-5 para makopo ang No. 3 ranking sa semis, at bumagsak sa No.4 ang Bustillos-based softbelles.

Makakaharap ng second-ranked UE ang University of Santo Tomas, sinibak ang University of the Philippines, 6-2, sa Final Four sa Huwebes.

Magtutuos naman ang defending champion Adamson University, nagwagi sa De La Salle, 10-0, at NU sa hiwalay na semis series.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA