Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

4:30 n.h. -- RoS vs Ginebra

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7:00 n.g. -- NLEX vs Alaska

SIMULA na nang playoff round sa 2018 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Unang magtutuos sa best-of-three series ganap na 4:30 ng hapon ang pumasok na fourth seed Rain or Shine at 5th seed Barangay Ginebra kasunod ang third seed Alaska at 6th seed NLEX ganap na 7:00 ng gabi.

Bagama’t mas mataas ang placing, kapwa nanaig ang Kings at Road Warriors sa kani-kanilang mga makakatunggali noong nakaraang elimination round.

Ginapi ng Kings ang Elasto Painters noong nakaraang Marso 2, 100-92 habang tinalo ng Road Warriors ang Aces noong Pebrero 11,96-89.

Ngunit, sa pagkakataong ito, hindi na mahalaga ang nasabing panalo dahil iba na ang lebel ng laro sa puntong ito kung saan semifinals berth na ang nakataya sa laban.

Umaasa si coach Tim Cone na malaking bagay ang naitala nilang triple overtime win kontra Rain or Shine sa gagawin nilang pagsabak sa quarterfinals.

Naniniwala din ang Elasto Painters na naipakita nilang kaya nila na makipagsabayan sa Ginebra.

“Kailangan lang ma polish namin lahat ng dapat gawin against Ginebra. Mahirap kasing manalo against Ginebra, sa totoo lang, “ pahayag ni ROS big man Beau Belga.

Sa panig ng Road Warriors, sisikapin naman ni coach Yeng Guiao na ayusin ang mental preparation ng kanyang mga players matapos matalo ng malaki sa huli nilang laban sa elimination sa kamay ng TNT Katropa.

“Wala ng excuse excuse, it will only make you weak mentally, “ ani Guiao.