Ni Aaron Recuenco

Natapos na rin ang ilegal na gawain ng isang 55-anyos na lalaking tindero ng isda na umano’y may nakapaloob na ilegal droga, makaraang madakip ito ng pulisya sa isang operasyon sa Puerto Galera, Oriental Mindoro kahapon.

Ang suspek na si Bonifacio Baticos de Villa, ng Barangay Sabang Puerto Galera, ay nakakulong ngayon matapos masamsaman ng shabu na nakapalaman sa isdang itinitinda nito sa Puerto Galera, sikat na tourist destination sa lalawigan.

Sinabi ni Chief Insp. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-4B Mindoro Occidental and Oriental, Marinduque, Romblon and Palawan (MIMAROPA), na matagal na nilang minamanmanan si de Villa nang makatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng ilegal nitong gawain.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Based on the intelligence report, he was selling shabu under the guise of selling fish. When he was arrested, four sachets of shabu were seized from him,” sabi ni Tolentino.

“The modus is that he would put the sachet of shabu inside the big fish and sell it to his drug clients to avoid detection of the police,” dagdag ni Tolentino.

Si De Villa ay taga-Barangay Sta. Clara sa Batangas City, subalit nagbebenta ng isda sa dinadayong Puerto Galera.

Ang pag-aresto, aniya, kay De Villa ay bahagi lamang ang kanilang kampanyang lansagin ang sindikatong nagpapakalat ng illegal drugs sa mga turista sa lugar.