Ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon

(SM Mall of Asia Music Hall)

10 a.m. – AdU vs UP (Men)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10:15 a.m. – Ateneo vs DLSU (Men)

11:30 a.m. – NU vs UP (Men)

11:45 a.m. – FEU vs UP (Men)

12 noon – UE vs DLSU (Men)

12:30 p.m. – AdU vs Ateneo (Men)

12:45 p.m. – NU vs FEU (Men)

1 p.m. – Ateneo vs UE (Men)

1:45 a.m. – DLSU vs AdU (Men)

Sa unang pagkakataon idaraos ang UAAP 3X3 basketball tournament sa SM Mall of Asia Music Hall.

Pitong koponan sa kalalakihan at walo sa kababaihan ang maglalaban-laban sa isang araw na kompetisyon na ilulunsad bilang demonstration sport ngayong season.

“There is potential that the sport can be elevated into a regular event as soon as next season,” ayon kay Far Eastern University athletic director Mark Molina.

Ang one-day tournament ay hinati sa dalawang brackets, kung saan ang Group A ay binubuo ng Ateneo, Adamson University, De La Salle at University of the East, habang ang FEU, National University at University of the Philippines naman ang nasa Group B.

Hindi sumali ang University of Santo Tomas sa men’s team.

Magsisimula ang kompetisyon sa mens division ganap na 10 ng umaga kung saan unang sasalang angyFighting Maroons na pangungunahan no Fiba 3x3 U-18 World Cup veteran Juan Gomez de Liaño, kontra Falcons.

Mauuna namang magsimula ang women’s division ganap na 9:00 ng umaga sa pagtatapat ng Adamson at UE.

Sa kababaihan magkakasama sa Group A ang Ateneo, Adamson University, De La Salle at UE, habang binubuo naman ang Group B ng FEU, NU, UP at UST.

Ang top two teams sa bawat grupo matapos ang single-round elimination ay uusad sa knockout crossover semifinals kung saan ang magwawagi ang magtutuos sa kampeonato.