Ni REGGEE BONOAN

CONSISTENT na mataas ang ratings ng Home Sweetie Home kaya hindi ito apektado ng absence ni John Lloyd Cruz.

Nakakuha ng mahigit 28% ang show noong nakaraang Sabado, Pebrero 24 na kinunan sa Hong Kong, ang ikalawang imbitasyon sa kanila ng Hong Kong Disneyland.

PIOLO AT TONI copy

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Anyway, tinanong kami ng mga kakilala naming TFC subscribers kung kailan babalik si John Lloyd sa Home Sweetie Home.

Sabi namin, ‘Only God knows po kung babalik pa dahil mismong ABS-CBN management ay wala ring alam kung ano ang plano ni Lloydie sa showbiz career niya.’

“Hindi nga po nakikipag-communicate. Panay nga ang kumusta namin, hindi nagti-text back,” sabi sa amin nang magtanong kami sa Star Magic.

Ayaw na bang mag-artista ni John Lloyd?

Hindi pa naman siya pinapalitan sa sitcom, pero malaki ang nagawa ng presence ni Piolo Pascual kaya ang tanong ay kung hanggang kailan doon ang aktor na abala rin sa taping ng upcoming TV series nila nina Arci Munoz, Alessandra de Rossi, JC de Vera at Empoy Marquez under Dreamscape Entertainment.

May narinig naman kami na, “Hanggang kaya po ni Papa P ang schedule niya at available siya ay nasa Home Sweetie Home po siya.”

Kung hindi iiwan ng aktor ang sitcom nila nina Toni Gonzaga na umeere tuwing Sabado at may ASAP pa siya ‘pag Linggo ay pitong araw na siyang mapapanood kapag umere na ang teleserye niya. Hindi kaya siya pagsawaan ng telkeviewers?

Well, Piolo is Piolo, ‘ika nga!