VIGAN, Ilocos Sur — Nakatuon ang pansin kina Santy Barnachea ng Team Franzia, Irish Valenzuela ng CCN Superteam at Pfc. Chris Joven ng Philippine Army-Bicycology Shop sa kanilang kampanya na maagaw ang korona kay Jan Paul Morales ng Navy-Standard sa pagpadyak ng LBC Ronda Pilipinas 2018 simula bukas.

Joven copy copy

Tinanghal na kampen ang 41-anyos na si Barnachea sa inaugural race noong 2011 at nakaulit noong 2015, habang ang 30-anyos na si Valenzuela ang nagwagi noong 2013. Tumapos naman na tersera ang 28-anyos na si Joven sa nakalipas na season.

“I’m not yet done, I still have something left in me,” pahayag ni Barnachea, pumalso ng dalawang taon bunsod ng personal na problema.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“When I race, my goal is always to win,” sambit naman ni Valenzuela, hindi rin nakalahok sa nakalipas na dalawang taon matapos maaksidente.

“Pipilitin kong makahirit ngayong taon. Maganda ang preparasyon namin,” sambit ni Joven patungkol sa suportang ipinagkaloob ng bagong ‘Godfather’ ang Bicycology Shop na pagmamay-ari nina Olympian at dating PSC chairman Eric Buhain at John Garcia.

Kumpiyansa naman si Morales na muling mangingibabaw sa karera na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

“Mabigat ang laban, pero kumpleto pa rin ang team at matiba ang suportahan naming,” sambit ni Morales.

Makakasamang muli ni Morales ang beteranong sina Ronald Oranza, last year’s runner-up Rudy Roque, El Joshua Carino, Jhon Mark Camingao, Ronald Lomotos, Archie Cardana at many-time Ronda King of the Mountain winner Junrey Navarra.

Handa naman sa kanilang kampanya ang Go for Gold ni George Oconer, third placer sa nakalipas na taon, ang Philippine Army- Bicycology Shop na pagbibidahan ni Pfc. Joven, Bike Xtreme’s Jaybop Pagnanawon at Go for Gold Developmental team’s Ronnel Hualda.

Tumataginting na P1 milyon ang nakataya sa 12-stage race na sisimulan ng 40-kilometer Vigan criterium Stage One sa Marso 3 kasunod ang 155.4km Vigan-Pagudpud Stage Two.

Tuloy ang ratsadahan sa 223.5km Pagudpud-Tuguegarao Stage Three sa Marso 5, 135.2km Tuguegarao-Isabela Stage Four sa Marso 6, ang 179.4km Isabela-Nueva Ecija Stage Five sa Marso 8, 111.8km Nueva Ecija-Tarlac Stage Six sa Marso 9, 31.5km Individual Time Trial Stage Seven at 42.14km Team Time Trial Stage Eight sa Tarlac sa Marso 10 at 11.

Hatawan din sa 07.2km Silang-Batangas-Tagaytay Stage Nine sa Marso 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 sa Marso 16, 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa Marso 17 at he 50km Filinvest Alabang criterium Stage 12 sa Marso 18.

Kasama rin ang koponan ng Tarlac, Ilocos Sur, Iloilo, Nueva Ecija at South Luzon.