Ni Marivic Awitan

Laro Bukas

(Filoil Flying V Centre)

4:00 n.h. -- Ateneo vs NU (Jrs Finals)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

NAISALPAK ni Miguel Oczon ang lay-up mula sa sariling steal sa depensa ng National University sa krusyal na sandali tungo sa 70-67 panalo sa Ateneo at mahila ang UAAP Season 80 juniors basketball championship sa sudden death nitong Martes sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Nabasa ni Oczon ang inbound pass ni Jason Credo kay Dave Ildefonso kaya’t naagaw nito ang bola at tuloy na ibinuslo sa pamamagitan ng isang lay-up kasabay ng pagtunog ng final buzzer para ibigay sa National University ang panalo sa Game 2 ng kanilang best-of-three title series.

“I just did my best for the team,” ani Oczon, matapos itabla ang serye at maipuwersa ang winner -take-all Game Three.

Tumapos na topscorer si Oczon para sa Bullpups sa ipinosteng 17 puntos kasunod si Rhayyan Amsali na may double-double -- 11 puntos at 13 rebounds.

Nauna nang ibinigay ni Michael Malonzo ang kalamangan sa Bullpups, 58-57, sa pamamagitan ng isang lay-up may 57 segundo ang nalalabi sa laro.

“Mas disciplined ang defense namin,” pahayag ni NU mentor Goldwin Monteverde.

Nanguna, si Ildefonso sa Blue Eaglets sa naitarak na 14 puntos, 13 rebounds, tatlong steals at dalawang steals kasunod si Kai Sotto na may 10 puntos, walong boards at limang blocks.

Dahil sa kabiguan, naputol ang naitalang 15-game winning run ng Eaglets.

NU (70) - Oczon 17, Amsali 11, Malonzo 10, Javillonar 8, Manalang 7, Minerva 7, Fortea 4, Gonzales 3, Coyoca 3, Felisilda 0, Pangilinan 0.

ADMU (67) - Ildefonso 14, Sotto 10, Belangel 10, Credo 7, Manuel 6, David 6, Escalona 5, Angeles 5, Chiu 4, Diaz 0.

Quarterscores: 21-21; 34-35; 47-48; 70-67.