Binigyang diin ng Santé ang epekto sa pag-aalaga sa bibig at ngipin sa kalusugan at kapakanan ng tao.

Pagdating sa kalusugan at ating kapakanan, pag-aalaga sa ating katawan ang madalas nating ginagawa. Mas binibigyan natin ng ingat at atensiyon ang ating kolesterol, blood pressure, paningin at iba pa. Madalas ay hindi nating inaalala ang kalusugan ng ating bibig at ngipin. Ang kadalasan nating ginagawa ay hahayaan lang ito basta’t hindi nakakaabala o nagpapahirap sa atin.

Ang hindi pa natin nalalaman na tulad ng mga nararamdaman natin sa ating katawan, ang mga nararamdaman din natin sa ating bibig ay senyales na mayroong problema sa ating kalusugan. Ang kalusugan ng ating bibig at ngipin ay sukatan din ng ating buong pangkalusugan kaya kapag nakaramdam tayo ng mga senyales ay kailangan itong bigyan ng pansin dahil maaaring sintomas na ito ng malalang sakit.

Isa sa karaniwang problema sa ating bibig ay ang pagkakaroon ng mabahong hininga o halitosis. Ang mabahong hininga ay karaniwan na at naaapektuhan nito ang 1 sa 4 na tao sa buong mundo at ang madalas na sanhi nito ay ang hindi mabuting pagaalaga sa ating bibig at ngipin. Ito ay nagmumula sa mga natitirang particle ng pagkain sa ating bibig at ngipin. Pinaghihiwa-hiwalay ng bakterya ang pagkain sa ating katawan at ginagawang sulfur bilang panibagong produkto sa ating katawan. Isang paraan upang mabawasan o maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong hininga ay ang pagsisipilyo pagkatapos kumain at panatiliing hydrated ang bibig parati. Ang regular na pagbisita sa dentista, kahit dalawa o tatlong beses sa isang taon, ay mahalaga sa pagpapanatili ng malinis na bibig at ngipin.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente