Ni Leonel M. Abasola

Tiwala si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na walang saysay ang anumang paliwanag ng pamahalaan hinggil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law dahil ang tinitignan ng publiko ay ang kasalukuyang presyo ng bilihin, partikular ang bigas.

Sinabi ni Recto na maging ang buwanang P200 subsidiya ay hindi rin halos mabigyan ng halaga, kung ikukumpara sa pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

“No matter how many graphs government economists will show, the people will use rice price tags as the gauge of inflation,” sabi ni Recto. “’Yang P200 na ‘yan, pambili lang ng bigas para sa tatlong araw na konsumo ng isang pamilya.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kasalukuyan, umaabot na sa P42.83 ang presyo ng kada kilo ng regular na giniling na bigas, habang ang P200 ay aabot lang sa sampung kainan.

Kasabay nito, nilinaw ni Senator Sherwin Gatchalian na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay hindi pa talagang epekto ng TRAIN, dahil ito ay dulot pa ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

“We will see the full effect of TRAIN in terms of inflation come May. All the way until August, this is really the time-table wherein mararamdaman na natin ang effects of tax reform pero ngayon wala pa,” ani Gatchalian.