NAUNGUSAN ng University of Santo Tomas, tangan ang natatanging goal ni Steven Anotado, ang defending champion Ateneo, 1-0, para maagaw ang liderato nitong Linggo sa UAAP men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Naitala ni Anotado ang goal sa ika-77 minuto mula sa assists ni AJ Pasion para sa panalo ng UST na nagbigay sa kanilang ng 10 puntos. Nagtabla ang UST at University of the Philippines matapos ang 1-1 draw kontra Far Eastern University , ngunit nakuha ng España-based booters ang pangunguna sanhi ng mas mataas na goal difference.

Sa iba pang laro, ginapi ng National University, tampok si Patrick Valenzuela laban sa Adamson University, 1-0.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA