NI EDWIN ROLLON

TAPOS na ang usapin sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC) sa pagkakahalal ni boxing chief Ricky Vargas bilang bagong pangulo.

Ngunit, para kay swimming Olympian at dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain, mananatili ang mababang level sa competitiveness ng atletang Pinoy kung hindi maisasantabi ang pulitika na nagdudulot nang pagkakahiwa-hiwalay ng mga sports leaders na nagiging dahilan sa pagkaantala ng pagsasanay ng Philippine Team.

“Let’s all hope for a better sports program for our country. One where the athlete is isolated and insulated from the politics. Where the athlete is supported that allows him or her to train, participate, and represent our country to the best of his or her ability. Unbiased sports allowing the very best athletes we have to offer to compete,” pahayag ni Buhain sa mga opisyal ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) na kanyang sinuportahan sa ginawang panunumpa kay National Press Club (NPC) president Paul Gutierrez ng People’s Tonight nitong Biyernes sa NPC bldg. sa Intramuros, Manila.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakiisa rin sa panawagan ng pagkakaisa si dating athletics president Go Teng Kok, ngunit iginiit niya na nararapat munang magsagawa ng paglilinis sa POC si Vargas upang matukoy ang mga tunay na may pananagutan sa mga alegasyon ng korapsyon sa Olympic body.

“While I shared with the view of chairman Buhain, I just want to put emphasis on accountability. Grabe ang alegasyon ng korapsyon sa POC at sa ilang National Sports Association (NSA). No less than PSC Commissioner Ramon Fernandez exposed this irregularities. Kawawa naman ang mga atleta na naapektuhan at naabuso. Kung maparusahan ang dapat maparusan, we already give justice to the athletes,” pahayag ni Go.

Sa kasalukuyan, may naisampa nang kasong criminal laban kay Philippine Karate-do Federation (PKF) secretary general Raymund Lee-Reyes, batay sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI). Sa sumbong at sinumpaang-salaysay ng 12 karate players, nabigong maibigay sa kanila ang dapat na suporta, kabilang ang dapat sana’y US$1,800 na allowances bawat isa sa kanilang pasasanay sa Germany isang buwan bago ang 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Iginiit ni Buhain, na ang kaguluhan sa liderato ay may malaking epekto sa pagsasanay ng mga atleta.

“Alam ko ‘yan dahil ako mismo kasama ang iba pang sports legend ay naranasan namin ‘yan. Pasalamat din kami at nagtagumpay ang noo’y sama-sama naming pakikibaka laban sa maling sistema sa sports,” pahayag ni Buhain, nanguna sa pamosong ‘Athletes Revolt’ noong dekada 90.

Bago ang pamamayagpag ni Singaporean swimmer Joseph Schooling, hawak ni Buhain ang marka sa SEA Games bilang ‘winningest athlete’ nang makopo ang anim na gintong medalya sa 1991 edisyon na ginanap sa Manila.

“Sa swimming community as starter, we need to unite all the stakeholders. Regardless on affiliation, dapat lahat kasama sa National program. Maglaban lahat ang ating mga batang swimmers sa regional hanggang sa National level just to determine the best of the best. Yung talagang mahuhusay, buhusan natinng suporta sa training and exposure abroad para mas tumibay,” pahayag ni Buhain, arkitekto sa ‘Godfather’ program ng kanyang panunungkulan sa PSC.

“Sa liquidation naman. During may time problema na rin ito. I believe under the new leadership of Chairman (William) Ramirez, may ginagawa silang program para maisaayos ito without affecting the training of the athletes. Kudos to Chairman Ramirez,’ aniya.