Ni Annie abad

NAGING emosyunal si dating Philippine Olympic Committee Chairman at Weightlifting president Monico Puentebella nang maglabas ng sama ng loob sa pamunuan ng POC matapos ang isinagawang “extraordinary meeting” kamakalawa kung saan hindi siya pinapasok dahil umano hindi siya lehitimong opisyal ng National Sports Association na kinabibilangan niya at hindi aprubado ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Ayon kay Puentebella, tahasang pambabastos sa daigdig ng isports ang ginawang pagharang sa kanilang mga opisyales ng mga NSAs na hindi kaalyado ni POC president Peping Cojuangco.

“Noong ako ang nakaupo as first Vice President ng POC, ang babait nila sa akin, naging chairman ako ng board, napakabait din nila sa akin. But now,it’s time for a change. We just want a clean and honest election, tapos ngayon bigla nilang kukuwestyunin ang pagiging presidente ko ng Weightlifting? Bakit, kasi, i am rooting for Vargas? bakit ganun? malinaw na pambabastos ito,” pahayag ni Puentebella ukol sa naging karanasan niya nang kasama siyang hindi papasukin sa isinagawang “extraordinary meeting ng POC nitong Lunes sa Wack Wack golf and Country Club.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pito sa mga kaalyado ni Association of boxing Alliances of the Philippines (ABAP) na si Ricky Vargas, kasama si Puentebella ang humarap sa media kamakalawa upang manawagan ng isang malinis na eleksyon ng POC ngayong araw na ito.

Ayon sa pito na kinabibilangan nina Ed Picson ng ABAP, Cynthia Carreon ng Gymnastics, Richard Fernandez ng Shooting, Robert Bachmann ng Squash, Karen Caballero ng Sepak Takraw, Nonong Araneta ng Football at si Puenbella, na may siguradong 27 NSAs na boboto kay Vargas para maging presidente ng POC, bagama’t hindi nila isiniwalat ang pagkakakilanlan ng mga ito.

“We are respecting their right to privacy. and besides, ang botohan naman ay may secrecy din, hindi din inilalagay ang pangalan ng mga boboto sa balota,” pahayag naman ni Caballero.