Ni Gilbert Espeña

INILAGAY ng World Boxing Organization (WBO) si dating World Boxing Council super flyweight champion Roman “Chocolatito” Gonzalez bilang No. 3 contender nitong Enero pero malabong makalaban niya ang hinamon na si two-division world champion at kasalukuyang IBF flyweight titlist Donnie Nietes ng Pilipinas para sa korona.

Walang pagpipilian si Gonzalez na dating No. 1 pound-for-pound boxer sa buong mundo kundi si No. 1 Rex Tso ng China na gustong magpahinga matapos mapinsala sa huling laban bagamat nanalo kay Japanese Kohei Hono via 8th round technical decision at kay No. 2 contender na Pilipino ring si NABF at WBO Inter-Continental 115 pounds champion Aston Palicte.

Target makalaban ni Gonzalez si Nietes na lumalaban sa flyweight division at magtatanggol ng korona kay dating world champion Juan Carlos Reveco ng Argentina sa Linggo sa Superfly 2 card sa The Forum sa Inglewood, Los Angeles, California.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Gustong isalpak ni WBO President Francisco Valcárcel sa title bout ng samahan si Gonzalez dahil sa kasikatan nito matapos bitiwan ng dating kampeon na si Naoya Inoue ng Japan ang WBO super flyweight crown bagamat galing ito sa pagkatalo via 4th round knockout kay Wisaksil Wangek ng Thailand na WBC super flyweight champion ngayon.

Inamin ng manedyer ni Gonzalez na si Carlos Blandon na gustong lumaban ng kanyang alaga sa buwan ng Mayo pero malabong kay Nietes na hindi naman super flyweight boxer.

“There is a 0.0% chance of that happening, but if you have to put a percentage on it.. it would be 0.01, because you never know what God could present... but the possibility of Roman fighting in May is always the plan,” sabi ni Blandon sa BoxingScene.com.

May rekord si Gonzalez na 46-2-0 na may 38 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Palicte na may kartadang 24 na panalo, 2 talo na may 20 pagwawagi sa knockouts.