Ni MARIVIC AWITAN

TULUYANG bumigay ang matagal nang pinipigil na hinanakit ni University of Santo Tomas Tiger Cubs coach Chris Cantonjos sa pamunuan ng eskwelahan at sa bagong hirang na UST men’s team head coach na si Aldrin Ayo.

cantonjos copy

Matapos na mabigo sa kamay ng NU Bullpups sa UAAP juniors showdown, kaagad na ipinahayag ni Cantonjos, miyembro ng matagumpay na 4-feat title ng UST sa nakalipas na dekada, ang pagbibitiw sa koponan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

This is my last year na. Kahit i-renew ako, ayoko na rin naman so ito na rin yung last year na magko-coach ako sa UST,” pahayag ni Cantonjos pagkaraang magtapos ang kampanya ng UST juniors basketball squad sa UAAP Season 80 pagkaraang matalo sa National University.

Nauna rito, naglabasan ang mga ulat na gusto ng bagong UST Tigers coach Aldin Ayo na kontrolin ang buong sistema ng basketball program ng UST, kabilang na ang paghawak sa juniors team na matagal nang ginagabayan g 6-foot-9 na si Cantonjos.

“Pagagandahin ko muna yung isusulat ko sa resignation, pero final na yun. Kahit i-acquire nila ako ulit, hindi na,”ani Cantonjos.

“Nawala yung puso ko – hindi sa school ha. Linawin ko lang, worth fighting for ang UST kasi nung naglalaro ako, talagang nakikipagpatayan ako para sa UST.”

Ayon pa kay Cantonjos, ikinalungkot nya ang nagyaring paglamig ng suporta sa kanya at sa buong koponan ng Tiger Cubs.

“Sabi ko nga, yung support, naisantabi kami. I think I have the right to say something naman kasi hindi balanced yung nangyari.”

Sinabi din ni Cantonjos na hinintay nyang lapitan siya at kausapin ni Ayo bilang respeto, pero hindi ito naganap.

“Apat yung binigay kong championship tsaka may MVP ako (sa UST). Magpasintabi muna siya kasi sinasagasaan niya is UST. Respeto naman. Wag naman ganun.”

Nabigo ang Balita na kunan ng pahayag ni Ayo.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin si Cantonjos sa UST sa pagkakataong maipakita ang kakayahan niyang mag-coach.

“Thank you sa opportunity na binigay sa akin ng UST. Ito ang pinakamagandang experience na nangyari sa akin,.”

“Gusto ko lang namang makapag-serve mung anong pinakamagandang way na makapag-serve. Sana, nagawa ko naman yun.”

Sa kanyang pagbibitiw, at pagkalas sa basketball , nakalaan na kay Cantonjos na ituon ang kanyang oras at panahon sa kanyang pamilya. “It’s about time naman na siguro, sa wife and daughter ko muna ako. For seven years, laging nagagalit sa akin ang wife ko kasi kahit may sakit siya, inuuna ko yung UST.”

“Ganun ko kamahal ang UST, kung alam niyo lang. Hindi lang nila nakita kung paano ko minahal ang UST.