Ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

4:30 pm Kia vs. Globalport

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

7 pm Blackwater vs. Phoenix

Kelly Nabong (PBA Images)
Kelly Nabong (PBA Images)
MAKASIGURO ng playoff berth para sa mga nalalabing quarterfinals berth, ang tatangkain ng mga koponang Phoenix at Globalport sa dalawang magkahiwalay na laro ngayong araw na ito sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Cokiseum.

Kasalukuyang magkasalo sa ika-anim na puwesto hawak ang parehas na markang 4-5, panalo-talo, kapwa pupuntiryahin ng dalawang koponan na makamit ang kani-kanilang ikalimang panalo upang makasalo sa Ginebra sa ikalimang puwesto at makasiguro ng playoff berth para sa nalalabing tatlong quarterfinals slot.

Sa kasalukuyan, limang koponan pa lamang ang nakakatiyak ng quarterfinals berth na kinabibilangan ng defending champion San Miguel Beer(7-2), Magnolia (7-3), Rain or Shine (5-3), NLEX (6-4) at Alaska (6-4) habang anim na koponan namang nasa ilalim nila ang nag-aagawan para sa natitira pang tatlong puwesto.

Bukod sa Gin Kings na nakakaungos na sa taglay na patas na barahang 5-5 at sa Batang Pier at Fuel Masters, kasama nilang naghahabol sa playoffs ang TNT Katropa, Meralco at Blackwater na may magkakaparehas na barahang 4-6, panalo -talo.

Makakatunggali ng Globalport sa unang laro ngayong 4:30 ng hapon ang eliminted ng Kia Picanto habang makakatapat naman ng Phoenix sa huling laro ngayong 7:00 ng gabi ang Elite.

Pare -parehong nasa must win situation, tiyak na magkukumahog at ilalabas lahat ng kanilang effort upang masungkit ang panalo ng Batang Pier, Elite at Fuel Masters habang pride naman ang sisikaping isalba ng Kia (1-8).

Tatangkain ng Elite na makabawi mula sa 90-93 kabiguan sa nakaraang laban nila ng Road Warriors sa Philippine Arena habang babawi din ang Batang Pier sa nakaraang pagkabigo sa kamay ng Magnolia gayundin ang Phoenix sa kamay naman ng Meralco.