Ni Nitz Miralles

MAGANDA ang ginawa ng writers ng The One That Got Away sa pagpapakilala sa karakter na makakaribal ni Liam (Dennis Trillo) kina Alex (Lovi Poe), Darcy (Max Collins) at Zoe (Rhian Ramos) dahil mas sumaya ang mga eksena. Umaatikabo ang aswangan at ang love triangles.

Kaya si Alex, may Gab (Renz Fernandez), si Darcy may Iῆigo (Ivan Dorschner) at si Zoe may Gael (Jason Abalos). Lalo pang sumaya ang kuwento dahil inaaswang ni Zoe si Iñigo kay Darcy.

Karina Bautista, PH navy reservist na

‘Katuwa ang comments ng viewers sa Gael-Zoe-Iῆigo love triangle, nakikiusap sila sa writers na huwag ituloy dahil nasasaktan sila dahil para sa kanila, mas bagay sina Gael at Zoen. Hanapan na lang daw ng ibang love interest si Iῆigo at huwag na rin siya ipareha kay Darcy dahil masisira ang pag-aagawan ng tatlong girls kay Liam.

Emotionally invested ang viewers ng TOTGA sa story at mga karakter at dahil siguro ito sa very “in” na kuwento at mga eksena. Relate much ang karamihan sa viewers sa mga karakter.

Ang nakakatuwa, karamihan sa cast, taken na, pero kapag nasa harap na ng camera, aakalain mong in love sa mga object of their affection.

Ang hindi maikakaila ng camera ay ang lakas ng chemistry nina Rhian at Jason at matutuwa ang bagong fans ng kanilang tambalan kung pagkatapos ng TOTGA, muli silang pagtatambalin.