oconer copy

HINDI man nakahirit sa nakalipas na edisyon bunsod nang kampanya ng National Team sa Southeast Asian Games, kumpiyansa si National mainstay George Oconer ng Go for Gold na makakabirit siya pagsikad ng 2018 LBC Ronda Pilipinas simula sa Marso 3 sa Vigan, Ilocos Sur.

Kabilang ang 26-anyos sa liyamadong siklista sa pagpadyak ng taunang cycling marathon na may nakalaang P1 milyon premyo.

“I’m happy to be competing again in Ronda and I’m focused on winning it this year,” pahayag ni Oconer, sumegunda kay Santy Barnachea noong 2015 edition.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Kung papalarin, makakasama si Oconer sa elite list ng mga kampeon na kinabibilangan nina Morales (2015, 2016), Barnachea ng Team Franzia (2011, 2015), Irish Valenzuela ng CCN Superteam (2012), Mark Galedo (2013) at Reimon Lapaza (2014).

Iginiit ni Oconer, anak ni two-time Olympian Norberto, na hindi rin pahuhuli ang kanyang koponan laban sa defending champion Navy-Standard Insurance sa torneo na itinataguyod ng LBC at suportado ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

Makakasama niya sa Go for Gold sina Boots Ryan Cayubit, John Renee Mier, Jerry Aquino, Jr, Elmer Navarro, Orlie Villanueva, Arjay Arbastro at daredevil Jonel Carcueva.

Nagpamalas ng katatagan ang 22-anyos na si Carcueva, pambato ng Minganilla, Cebu, sa kanyang rookie season sa nakalipas na edisyon nang pumuwesto sa ika-12 sa overall standings. Sumegunda siya kay Junrey Navarra ng Navy sa dalawang qualifying race sa Mandaue City, Cebu nitong Nobyembre.

“He’s talented, strong and fearless, he will be a big part of our campaign,” pahayag ni Oconer, patungkol sa katauhan ni Carcueva.

Naghihinty ang P1 milyon na premyo sa team event ng 12-stage race na sisimulan sa 40-kilometer Vigan criterium Stage One sa Marso 3 kasunod ang 155.4km Vigan-Pagudpud Stage Two.

Sasabak din sa karera ang Philippine Army-Bicycology Shop, Nueva Ecija, Ilocos Sur, Go for Gold Developmental team, South Luzon at Tarlac Province.