Ni DINDO M. BALARES

GAGAWARAN si Willie Revillame ng Natatanging Hiyas sa Larangan ng Telebisyon na katumbas ng Lifetime Achievement Award ng 2nd GEMS Awards.

WILLIE copy

Ang ikalawang gawad parangal ng Guild of Educators, Mentors, and Students ay gaganapin sa Center for Performing Arts ng De La Salle Santiago Zobel School, Ayala Alabang Village, Muntinlupa sa Marso 2.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang magiging counterpart ni Willie bilang Natatanging Hiyas sa Pinilakang Tabing ay si Ronaldo Valdez.

Ang Natatanging Hiyas ng Sining sa Sining ng Panulat ay ipagkakaloob naman sa Liwayway magazine ng Manila Bulletin Publishing Corporation.

Sa larangan ng radyo, ang Natatanging Hiyas ay igagawan naman sa Radyo Veritas DZRV 846 ng Archdiocese of Manila- Global Broadcasting System.

Ang Natatanging Hiyas ng Sining sa Tanghalan ay tatanggapin naman ng Hiraya Theater Production.

At ang Kapuri-puring Guro o Natatanging Hiyas sa Sining ng Pagtuturo ay si Solena Valencia Eugenio.

“Kahit saang istasyong pantelebisyon siya napadpad ay ‘di nagmaliw ang pagsuporta at pagtangkilik sa kanya ng publiko,” sabi ng founder/president ng GEMS na si Norman Llaguno nang hingan ko ng pahayag.

“’Di ko inaasahan ito,” reaksiyon ni Willie nang kontakin ko sa pamamagitan ni ‘Nay Cristy Fermin. “Napakalaking karangalan. Masarap na inspirasyon. Maraming nangyari sa career ko, bagsak-bangon, pero may premyo mula sa publiko at sa GEMS. Maraming salamat po sa tiwala at paniniwala. Hindi lang para sa akin ito kungdi para sa lahat ng nagmamahal sa akin, sa staff ng Wowowin, sa GMA-7at sa publikong hindi bumibitiw kahit saang network ako liparin ng kapalaran.

Maraming-maraming salamat po sa GEMS.”

Lone ranger si Willie. Sa mga artistang umalis sa ABS-CBN, isa siya sa iilang patuloy na namamayagpag ang career, mas lumaki pa at natutong magtatag ng sariling production outfit, hindi binibitiwan ng mga tagahanga, at patuloy na kumikita ng milyun-milyon. Ang isa pa ay si Kris Aquino.

Paulit-ulit na bumabagsak pero hindi sumusuko, paulit-ulit ding bumabangon dahil sa labis pagmamahal sa sining. At hindi napapagod at lalong hindi nagsasawa sa pagtulong sa kapwa.

Deserving si Willie Revillame sa lifetime achievement award na igagawad ng GEMS sa kanya.