Hinimok kahapon ng isang anti-smoking group sa Department of Health (DoH) na lumikha ng isang online reporting system para sa mga lumalabag sa smoking ban.

Sinabi ng New Vois Association of the Philippines (NVAP) President Emer Rojas na umaasa ang grupo na magiging mas masigasig ang DoH sa pagpapatupad sa Executive Order (EO) No. 26, na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa, sa pamamagitan ng paglikha ng isang mekanismo kung saan maaaring isumbong ang mga lumalabag sa batas.

Sinabi niya na ang pagkakaroon ng ganitong mekanismo tulad nito sa social media, ay maghihikayat ng public vigilance na titiyak na matatamo ang mga nilalayon ng smoke-free EO.

“We are hoping that the DoH will open a call center, use the existing DoH hotline or, at least, a social media desk, where concerned citizens may report violations of the smoke-free EO,” ani Rojas.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Kapag natanggap ng DoH ang ulat ay maaari nitong ipasa ang impormasyon ng mga paglabag sa mga kinauukulang local government units (LGUs).

“Being the ones mandated to enforce the provisions of the EO, the DoH can refer the reports sent to them to the concerned local Smoke-Free Task Forces for the proper action,” ani Rojas.

Idinagdag ng cancer survivor-turned-health advocate na makatutulong ang ganitong mekanismo upang maiwasan ang face-to-face sa pagitan ng smokers at non-smokers.

“Through this mechanism, those who continue to suffer from second-hand smoke now have the opportunity to report violators,” ani Rojas. - Charina Clarisse L. Echaluce