Ni Marivic Awitan

Laro sa Martes

(Filoil Flying V Centre-San Juan)

4 p.m. – NU vs UST (Jrs Semis)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

BUMALIKWAS ang University of Santo Tomas buhat sa 13 puntos na pagkakaiwan upang mapatalsik ang dating kampeon Far Eastern University-Diliman, 81-80, kahapon sa unang stepladder semifinals game sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Tila namamaalam na sa kanilang tsansa pagsapit ng huling apat na minuto ng laro, biglang nabuhayan ang Tiger Cubs at nagsalansan ng 14 na sunod na puntos upang maagaw ang kalamangan sa iskor na 80-79.

Ginawa ng FEU ang lahat upang agawin ang panalo ngunit di bumitaw ang UST sa huling walong segundo matapos ang split sa freethrows ni Kobe Palencia para sa final count.

Sunod na kakalabanin ng UST ang twice-to-beat at second seed National University sa darating na Martes sa Fil Oil Flying V Center para sa karapatang makaduwelo ang outright finalist Ateneo de Manila University sa kampeonato.

Pinangunahan ni Season MVP CJ Cansino ang panalo sa ipinoste nitong 18 puntos, 16 rebounds at 5 assists.

Nanguna naman si RJ Abbarientos ang losing cause ng Baby Tamaraws sa itinala nitong game -high 24 puntos.

Ito ang ikatlong sunod na pagkakataong ginapi ng UST ang FEU ngayong season.