Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center_

8 am. NU vs. De La Salle (m)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10 am UST vs. Adamson (m)

2 pm NU vs. De La Salle (w)

4 pm UST vs. Adamson (w)

NAPANATILI ng Far Eastern University ang kanilang pamumuno makaraang iposte ang ika-apat na sunod na panalo kahapon sa UAAP Season 80 men’s volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Nakalusot ang Tamaraws sa matinding hamon ng University of the Philippines Fighting Maroons sa loob ng apat na sets, 30-28, 25-21, 24-26, 25-16 upang mapanatiling malinis ang kanilang imahe.

Bumawi ang Tamaraws sa pagku - collapsed sa third set at hindi na pinaporma ang Maroons sa fourth set upang makamit ang panalo.

“Malayo pa ang labanan. Kailangan lang ituloy namin kung ano kailangan na i-correct sa mga kakulangan ng team. Doon naka-mindset ang mga bata. Ayoko kasi na kapag nakita na maganda ang standing, baka-mag-relax,” pahayag ni FEU coach Rey Diaz.

Pinangunahan ni team captain Rey Solis ang nasabing panalo sa ipinoste nitong 19-puntos kasunod si Jude Garcia na may 14-puntos at JP Bugaon na may 13-puntos kabilang ang game winning block.

Nauna rito, nakamit ng defending champion Ateneo de Manila ang kanilang ikatlong sunod na panalo upang tumatag sa second spot hawak ang 3-1 na kartada.

Winalis ng Blue Eagles sa pamumuno ni reigning MVP Marck Espejo ang University of the East, 25-20, 25-17, 25-15.

Nagtala si Espejo ng 16-puntos kasunod si Ron Medalla na may 11-puntos.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Maroons sa markang 1-3 habang nanatili namang winless ang Red Warriors matapos ang apat na laro.

Samantala, ang pinakahihinhtay na tapatan ng kasalukuyang dalawang unbeaten teams sa women’s division na National University at defending champion De La Salle ay magaganap ngayong ika-2:00 ng hapon sa parehas ding venue sa Sa n Juan.