COLEEN AT BILLY copy

Ni JIMI ESCALA

DIRETSAHAN nang binanggit ni Coleen Garcia na sa Abril sila ikakasal ni Billy Crawford.

Ayon sa dalaga, hanggang buwan lang muna ang maaari niyang banggitin kaya nananatili pa ring secret ang eksaktong wedding date nila ni Billy. At dahil summer wedding, sa beach ito gaganapin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya sabi pa niya, sa labas ito ng Metro Manila magaganap kaya sure nang sa Pilipinas sila ikakasal. Worried lang si Coleen na kahit summer sila ikakasal ay baka raw ulanin at hindi nila ma-achieve ang kanilang dream beach wedding.

Pero kung sakaling man ay nakahanda naman daw ang kalapit na chappel para hindi sila mabasa pati na ang mga bisita nila. Aminado si Coleen na dahil pareho silang budy ni Billy ay hindi nila natututukan nang husto ang lahat ng detalye ng kanilang kasal.

Kaya ganoon na lang ang pasasalamat nila sa pinsan at best friend niyang si Ria Atayde na naaasahan nila sa ilang bagay na kailangang lakarin para maging smooth ang wedding nila ni Billy. Katunaya, malapit na raw nilang ipamigay ang invitations.

Pero may mga kinakailangan pa ring ayusin na sila mismo ni Billy ang dapat umasikaso, tulad ng kinukuha nilang mga ninong at ninang.

Ipinagmalaki ni Coleen na suportado ng kanyang fiance ang lahat ng career moves niya.

“Well, a lot of people don’t know the dynamics of our relationship. Si Billy, very, very supportive siya. Parang kung nakikita niya na dito ako nagsa-shine, or ito ‘yung hilig ko or kung ito ‘yung passion ko, susuportahan niya all the way,” sey ni Coleen.

So, pasado at walang problema kay Billy ang ginawa niyang pagpapaka-daring sa Sin Island na pinagkakaguluhan ngayon sa mga sinehan?

“I think, walang problema. ‘Yung pinakanahirapan siya, ‘yung first film, ‘yung with Derek (Ramsay), ‘yung Ex With Benefits, kasi nga, it’s the first time. Pero ngayon, parang since especially it’s also my third time working with Direk Gino Santos, parang kabisado na rin niya kung pa’no kami magtrabaho and he’s very kampante naman kung paano kami magtrabaho,” sagot ng aktres.

Klaro ang pahayag ni Coleen na kahit kasal na sila ni Billy ay wala silang usapan na lilimitahan na niya ang pagtanggap ng daring roles.

“Wala naman po kaming usapan na ititigil or ili-lessen. Siguro it depends pa rin sa material na ipi-present. Kung maganda ‘yung role, kung maganda ‘yung story, game pa rin naman ako,” sey ng future Mrs. Billy Crawford.