Ni Marivic Awitan

NAHIRANG at nakatakdang parangalan bilang Season MVP sina University of Perpetual Help hitter Joebert Almodiel (men’s )at Kirth Patrick Rosos (juniors ) at Jose Rizal top spiker Maria Shola Alvarez (women’s )para sa NCAA Season 93 volleyball tournament.

almodiel copy

Bukod sa MVP honor, si Almodiel din ang nagwaging Rookie of the Year at First Best Outside spiker awards.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Siya rin ang namuno sa itinalang 9-game elimination round sweep at pag-usad ng direkta sa best-of-three finals ng men’s division habang si Rosos ang isa sa mga namuno sa Junior Altas sa pag-usad nito ng finals..

Para naman sa graduating na si Alvarez, naungusan nito si San Beda skipper Cesca Racraquin sa MVP race matapos magtala ng league-best 21.3 points per game makaraang pamunuan ang Lady Bombers sa una nilang Final Four appearance.

“Worth it lahat,” ani Alvarez.

Ang iba pang awardees ay sina Dolly Grace Versoza , kakampi ni Alvarez sa JRU bilang second best outside spiker na tinalo para sa Rookie of the Year honors ni Arellano spiker Nicole Ebuen, Jovelyn Grace Prado ng Arellano (First Outside Spiker), Perpetual Help middle blocker Ma. Lourdes Clemente (First Middle Blocker), San Sebastian captain Joyce Sta. Rita (Second Middle Blocker) at kakampi nitong sina Alyssa Eroa ( Best Libero), at Vira Guillema (Best Setter) at Regine Anne Arocha ng Arellano(Opposite Spiker).

Sa mens division, kasama naman ni Almodiel ang mga kakamping sina Jack Kalingking at Warren Catipay bilang Best Libero at Setter ayon sa pagkakasunod at sina Christian dela Paz (Second Best Outside Spiker) at Kevin Liberato ng Arellano(First Middle Bocker), at sina Limuel Patenio (Libero) at Mark Christian Enciso ng San Beda (Opposite Spiker).